Naaalala mo pa ba noon na:
-
diyes lang ang pamasahe, kandong libre pa
-
ang babae lang ang may hikaw
-
ang preso lang ang may tattoo
-
si Erap at FPJ ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa
-
ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud
-
ARCEGAS at ESCOLTA ang shoppingan sa bansa
-
diyes lang ang isang basong taho
-
at kailangan mong magdala ng sarili mong baso, kasi wala pang plastic cups noon si manong na magtataho
-
chocnut, bukayo at kending vicks ang pinag-gagastusan mo ng sinko mo
-
Sarsi with egg ang pampataba at star margarine, at matamis na bao sa umaga.
-
nagkaka-kalyo ka dahil sa type writer pa ang ginagamit mo para sa school paper mo
-
kaya uso pa noon ang carbon paper
-
at tancho o superman ang pang-ayos mo ng buhok
-
KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para sa’yo para inumin mo bago matulog
-
nakakapag-grocery ka na 20 piso lang ang dala
- anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo
- computer cards ang iyung tinutupi para maging barilbarilan
- singkwenta sentimos lang ang songhits
- pango pa si Vilma
- kay paeng yabut ka lang naniniwala pag-ukol sa panahon ang balita
- sinkwenta sentimos lang ang pa-gupit
- pinagtatawanan ang kalbo
- hindi uso ang gusot ang buhok at damit
- nakakahiya kung nakalitaw ang halfslip ng babae, ngayon nakadisplay pa ang pusod, strap ng bra at panty
- lalaki pa noon si ernie maceda at senator sonny osmena
- hostess pa ang tawag, ngayon GRO na
- malalapad at mahahaba pa ang mag undies, ngayon parang mga tali na lang
- ang mga lola, sa kalye lang jingle, hawak ang saya sa likod at harap. patayo pa
- payat na payat ka pa noon
- malago pa ang buhok mo
kung naaalala mo pa yan eh ..
ANG TANDA MO NA!




